sa lahat....pasensya kung natagalan ha........
To my kuya..... love you po.. uxtah ka na jan...mis you na po...hehehe okei na po ako......
to my secret reader....hello po...nxia ngayon ko lang nabasa yung comment mo .......nga pala...tnx ha kasi lagi mo sinusubaybayan yung story ko. nga pala ang fb ko eto: yaoi_addicetd01@yahoo.com
may fanpage na nga pala ako...hanapin niyo ang Dylan Kyle's Diary
olweiz here
D.K
__________________________________________________________________________
Maayos naman akong nakaluwas ng maynila. Maraming tao at siksikan sa mga sakayan ng bus at LRT. Dumeretso ako sa dorm na pagtutuluyan ko. Hindi ko pa nabibisita ito dahil sila Nanay at Tata yang naghanap ng dorm ko. Ang sabi nila, may isa daw akong kasama sa room. Hope n asana ay mabait at hindi suplado yung karoom mate ko. Ang hirap kasi yung dalawa na nga lang kayo eh hindi pa kayo nag uusap. Mga 30 minutes ng makarating na ako sa Dorm ko. Mabait at masayahin ang may ari ng Dorm Todo welcome siya sa akin. Well ventilated naman yung area na un. May mga aircon at maganda ang pagkakaayos ng Bahay. Malaki ito at marami rami na rin ang nandito. Iba’t ibang tao ang makakasama ko ng mahabang panahon.
Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko ang hiwalay na kama. Doon ako sa may bandang bintana dahil syempre no choice ako diba. “Toy, yung ka room mate mo eh nagbabakasyon pa. Siguro mga pasukan na babalik yon. “ nakangiting sabi sa akin ni Aling Marta. “Ah ok po….” Ang sagot ko. Maayos naman ang kwarto. May sarili kaming banyo, sariling lamesa at sariling divider.
Pagkatapos kong magpalit ng damit, nag ayos na ako ng gamit sa divider. Habang nag aayos ako ng gamit ko, bigla kong nakita ang binigay na pad lock sa akin ni Johan. Muli ko na naming naalala ang ga paghihirap ng damdamin ko. Muling nanariwa ang sugat ng kahapon, kaya bago pa magbalik uli ito, muli ko na ito itinabi sa pinaktagong lugar sa divider.
Nang matapos ako, nag ikot ikot muna ako sa buong kwarto. Tinignan ko ang mga nakakabit sa dingding ng kasama ko sa kwarto. Sa mga poster pa lang eh parang rebelled na eh. Hindi kaya patayin ako ng luko lukong ito habang natutulog ako. O kaya pag tripan ako nito. Kung anu anong iniisip ko ng tumunog ang cell phone ko. Galing kay Cris. “Hello…….” Sagot ko. “O hello best… si Cris to…. O kamusta punta mo dyan?” tanong niya. “Ah, okay lang aman, mabait naman yung may ari ng Dorm. Well ventilated naman yung area at mabbait din yung mga nakakasalubong ko. Kaso……” tugon k okay Cris. “Kaso ano?.... may problema ba?” tanong niyang nag aalala. “Kaso yung kasama ko ditto……. Parang masakista….heheheheh…, ang sama ko namana…heheheh joke lang….ewan ko ba….kasi kakaiba yung mga nakadikit sa ding ding ng side niya eh….. Para bang nagrerebelde….heheheheh” sabay tawa. “Naku…kawawa naman…heheheh basta tawag ka lang pag may ginawa yung gagong yon say o ha….” Sabay tawa rin. ‘luko luko……. Anu yon susugurin mo…heheheheheheh” pabiro kong sagot. “ay siya siya…sige na at magpahinga ka na….. kakapagod ata ang byahe….” “Gueh…. Bye”.
Pagkatapos ng pag tawag ni Cris. Napagpasyahan ko ng matulog muna. Tutal tanghali na at sobrang init. Nagising ako ng mga 5:30 at naligo ako. Pati banyo maganda rin. Maayos naman ito kaso natawa ako ng Makita kong may nakasampay pang mga brief sa loob nito. Kaya ang ginawa ko, kinuha ko ito at tiniklop. Inilagay ko ito sa may table ng room mate ko. Palaisipan pa rin sa akin ang room mate ko. Ano kaya talaga ang ugali nun. Mabait kaya siya o hindi. Ayon ang iniisip ko habang naliligo ako.
Paglabas ko ng banyo, may napansin akong nakausli sa may ilalim ng kama ng room mate ko. Pagbuklat ko…. Napa woooohhw…. Ako……. Ang daming magasin. Puro health magazine ang nandun pero napukaw ang pansin ko sa isang magazine. Mukhang malibog din ito kasi magazine na FHM ang nandun. Hehehehehe…. Napatawa na lang ako. Pagkatapos nun, nagbihis na ako. Pagkatapos kong magbihis, inilabas ko yung bago kong laptop. Gift nila nanay at tatay sa akin dahil Valedectorian ako. Naglaro muna ako dun dahil nag lipat ako ng mga files mula sa PC ko.
Mga 7 ng gabi ng matapos akong mag computer. Tinawag na kasi ako ni Aling Marta. Kakain na daw. Kasama sa binabayad naming dito eh yung pagkain namin. Pagbaba ko, nakita ko ang halos karamihan ng nag dodorm. Medyo marami kami at lahat kami puro lalaki. For boys lang daw talag yun. Ipinakilala ako ni aling marta sa lahat. Naging Masaya naman ako kasi mababait sila at Masaya kasama. Lalo na si Dave, siya ang nagyaya sa akin na umupo sa tabi niya. Matangkad, maputi, at gwapo. Siguro habulin ito ng Chicks. Makulit at masayahin siya. Napagalaman ko rin na same pala kami ng kinukuhang course pero magkaiba ng school. Getting to know each other kami nun ng biglang nagring cell phone niya. “Ah tol, wait lang, pinsan ko eh…..” sabi na lang niya. “Ah ok lang….. nga pala, una na ako sa itaas, inaantok na ako eh….” Sagot ko naman. “Ah sige,…… bukas na lang ulit…hehehehehhe” tugon ulit niya. Since wala naman yung room mate ko, nagdecide naa akong matulog at ikandado ang pinto ko.
Nagising ako sa isang panaginip. Isang masamang panaginip. Nakita ko si Johan na pilit akong hinihila papunta siya pero hindi niya kaya kasi may humihila din sa akin. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaki kasi nakamaskara. Umiiyak pa si Johan habang hinihila ako pero bigla nalang akong nagising at pawisan na tumayo at bumaba ng kwarto. Walang tao sa baba kaya dumeretso ako sa may kusina upang kumuha ng tubig. Nagulat ako ng pabalik na ako sa taas ay nakita ko si Dave na nasa may open terrace sa may salas. Pinuntahan ko agad siya.
“Ui tol, bakit gising ka pa…..?” tanong ko sa kanya. “Ui, ikaw pala…… may problema kasi ako eh……” sagot naman niya. “O, ano ba problema mo?.... malaki ba?” tanong ko sa kanya. “medyo eh……. Kasi ung dalawa kong pinsan eh….. lagging nag-aaway. Ayon at nagsuntukan pa….. buti nga at naawat agad sila nila tita at tito.” Pagkwento niya. “O, bakit daw ba?” tanong ko ulit. “Kasi naman tong dalawang magkapatid na to hindi pa magkasundo…. Magkapatid na nga eh parang magkaiba pa. …….. Pinaghiwalay na nga sila ng tirahan eh kasi nga ganun yung kalagayan. ……. Yung isa ditto rin nag dodorm tapos yung isa nasa tatay niya…... eh umuwi yung pinsan ko dun 3 weeks ago para makapagbakasyon malapit lang ditto……” pagpapatuloy niya. “Malaking problema nga iyan……” sabi ko na lamang. “Haixt…sakit talag ng ulo yung dalawang iyon eh……..kaya nga sabi ko mag gala muna kami bukas…….” Pagpapatuloy niya. “Oo…magandang gawin yan….mas makakabuti pa nga yang gagawin mo….heheheheheheh” tugon ko na lang. “Kung gusto mo sumama ka para makilala mo rin yung pinsan ko…….” Paanyaya niya. “Ah ok din yan…kaso nakakhiya naman…..” sagot ko. “Hindi yan……” “Sige na nga….” Pagpayag ko din. Sabay na akming tumaas kaso mas mauuna siya kasi sa 2nd floor siya samantalang ako sa 4th floor pa.
Medyo tanghali na rin ako nagising kinabukasan. Mga 10 ang usapan naming ni Dave na aalis kami. Kaya may 3 hours pa ako. Dahil sa tinanghali ako ng gising, ako na lang ang nahuling kumain sa baba. Pagdating ko, halos lahat ay umiinom na ng tubig o kape. Mga bandang 9, naligo na ako at nagbihis. Sinuot ko ang favorite Blue kong polo shirt na sinuot ko nung 4th monthsary naming ni Johan. Bigla na lang akong natulala ng Makita ulit ang damit na yun. Ang damit na nagpapaalala ng lahat. Mga 9:50 ng bumaba ako sa may salas at nakita ko naman na nakabihis na si Dave at naghihintay na lang sa akin. “Tol, pasensya sa paghihintay.” Sabi k okay Dave. “Hindi okay lang yun… kabababa ko nga lang eh…..” sagot niya. Mga Quarter to 11 ng makarating kami sa meeting place naming. Sa isang fast food kami magkikita ng pinsan ni Dave. Medyo matagl din ang pinsan ni Dave kaya napagpasyahan kong mag CR muna. Pagbalik ko, nagulat na lang ako ng Makita kung sino ang kasama ni Dave.
(Itutuloy)
dylan ko ganda ng blog mo ah hehehehe
ReplyDeletesimula ngayon ako na number one fan mo hehehe!!!
hahahah...tnx rhey...hahahahaahahahah
ReplyDeletenagiisip pa nga ako kung pano ko mapapaganda to eh...
rj...char...can relate ka noh?:D
ReplyDeleteparang kilala ko kung cno ang inspiration mo dito mr.writer hahaha...kip it up!!!!
ReplyDelete.......pixel