Sunday, May 16, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 15

Excited na ako sa prom namin dahil eto na ang last prom na dadatnan at mararanasan naming sa high School life namin. Exactly 6:15 nagstart na kami. Halos lahat talagang pinaghandaan. Hinahagilap ko ng tingin si Cris at ayon, mas atat pa sa akin. Kumakaway pa siya habang lumalapit sa akin. “Wow naman, ang gwapo ng bhest ko.” Ang sabi ni Cris. “Naku bola….. ano nakain mo?.... may kailanagan ka ba at nagkakaganyan ka…..heheheheh” pabiro kong sagot sa kanya. “bakit kailangan bang may kailangan yung isang tao para lang purihin…heheheheheh….pero totoo nga……. Bagay na bagay talaga say o ang damit mo. …. Bagay sa kasal natin…heheheh” pagbibiro niya. “Loko ka talaga….” Pasakay kong sagot. Kahit biro yun alam kong may laman yon.

Bigla na lang tumugtog ang party theme song naming na Hot n cold….. halos lahat napapsayaw sa kanta. Nagsimula na nga ang entrance ng bawat promers.heheheheh……Dahil sa medyo katangkaran ako…… ayon at nasa likod ako…… Kapartner ko yong malapit na kaheight ko at barkada kong si Christine. Nang nasa lamesa na ako, natulala ako sa naglalakad na lalaki. Si Johan nap ala. Wooooh….. ang gwapo niya ngayon…… hahahaahah……. Bagay na bagay sa kanya yong suot niya. Medyo nawala ang paghanga ko ng Makita ko na yong kapartner niya. Si Shane. Ang laki ng ipinagbago niya.

Ang ganda ng plow ng program at halos lahat nakatutok sa program. Masasarap din ang mga pagkain na sinerve sa akin. Nasa kabilang lamesa lang si Cris samantalang sa kabila naman si Johan. Ewan ko ba pero para bang lagi na lang akong napag gigitnaan. Last program naming sa gabing yun eh yung prom night. Yung magsasayaw ang kahit sino.

Love songs ang pinatugtog, at ang gandang pagmasdan ang mga nagsasayaw. Halos lath ng studyante ay nag lipatan na ng upuan. Pati na rin si Cris, at katabi ko na siya ngayon. Ayun at nangungulit na isasayaw daw ako. Sabi ko naman loko talaga siya. Haixt. Pero habang pinagmamasdan ko ang mga nagsasayaw, hindi nakaligtas sa aking paningin ang dalawang tao na nagsasayaw sa karamihan. Si Johan at Shane.

Halos mabiyak ang puso ko ng Makita ko ang dalawa na halos hindi na mapag hiwalay sa sobrang higpit ng pagkakayakap sa bawat isa. Para akong dinudurog ng mga sandaling iyon. Para bang sinasabi na ang tanga mo at umasa ka pa na mamahalin ka ulit nyan.

Bigla na lang tumulo ang luah ko sa aking mga mata,. Nakita ni Cris yon at tinanong ako kung bakit pero hindi ako sumagot. Nag walk out ako. Pumunta ako dun sa may tambayan namin. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob ko. Pero nagulat ako ng may nag alok sa akin ng panyo. Si Cris? Hindi. Nagulat ako ng Makita ko si Johan. Pero isang tanong ang pumasok sa aking isip. Si johan ba ito? Eh bakit iba ang suot niya. Habnag kinukusot ko ang aking mata, hindi ko namalayan na umalis na ang taong nagbigay sa akin ng panyo. Tinatawag ko siya pero hindi siya tumitingin. Siguro sa sobrang inis k okay Johan, nakita ko tuloy ang mukha niya sa iabang tao.

“Dylan…..” narinig kong tawag sa akin ni Cris. Sinundan pala niya ako. “Bhest…” sigaw ko sa kanya sabay yakap. “Bhest, please iuwi mo na ako. Ayoko na ditto…….. gusto ko ng umalis…….” Pahagulgol kong sabi kay Cris. At inihatid nga niya ako sa bahay namin. Doon ko muna siya pinatuloy upang may makasama naman ako.

“Bhest…. Ok ka naba?” tanong ni Cris. Hindi ako nakasagot. At nagsalita ulit siya. “Ok lang… naiintindihan ko ang kalagayan mo…….. yaan mo hindi kita iiwan….” Panatag ako pag kasama ko si Cris.

“Ang tanga tanga ko……. Umaasa pa rin akong mamahalin ako ni Johan……. Dapat tinanggap ko na dati pa……”

“Okay lang yan…. Bawat tao nagkakamali……. At talagang minsan nasasaktan…. Kayanin mo yan….ikaw pa……”

Dahil sa sinabi niya kampante na ako. Nakatulugan ko na lang ang aking problema. Nagising ako ng marinig ka ang pagtahol ng aso. Katabi ko pa rin si Cris at himbing na himbing na ntutulog habang nakayakap sa akin. Bakit nga ba nag pupumilit pa akong sumiksik Kay Johan? Ano na ang mapapala ko diba? Mas mabuting pagtuunan ko na lang ng pansin ang pagtatapos ko ng Highschool.

Mula ng prom naming sinimulan ko ng iwasan si Johan. Sa bawat pagkikita naming para lang hindi siya nageexist. Sa mga projects na magkasama kami, walang pansinan. Kung dati, heto ako at gumagawa ng paraan para makasama siya pero ngayon iba na……

Hanggang sa dumating ang Graduation. Talagang pinagsikapan kong mag aral ng mabuti una dahil upang matuwa ang aking mga magulang. Ikalawa upang makalimutan si Johan at ikatlo, upang mahamon ko ang aking sarili na higitan pa si Johan. Nagbunga naman ang aking paghihirap dahil Valedectorian ako samantalang Salutatorian lang si Johan. Sobrang magkalapit lang ang points naming sa extra at co curricular kaso natalo ko pa rin siya. Hindi ko alam kong galit ba sa akin si Johan o hindi, basta sa akin, natupad ko lahat ng gusto ko. Pero may lungkot pa rin, kasi nawalan na ako ng tunay na best friend. Pero kahit papano napupunan pa rin yun yun ni Cris. Kami na ngayon ni cris ang masasabing sanggang dikit. Kahit iilang buwan lang ng maging magbestfriend kami, nagging malapit naman kaming dalawa sa isa’t isa. Si Ivan naman, ayun at nangungulit pa rin sa akin kung pwedeng maging kami pero sabi ko ayaw ko kasi hindi pa ako handa ulit. Hanggang ngayon meron pa ring natitirang sakit sa puso ko. Pero unti unti na rin itong nawawala dahil na rin siguro sa pagiging abala ko.

Nang gabi ng graduation naming, ako ang mag speech. Lahat pinasalamatan ko. Marami ang natuwa sa akin dahil sa wakas, ang kalokohan ko, nagging seryoso. “Sa lahat ng mga nagging kaibigan ko, salamat sa inyo. Without your help, wala ako ditto. Kayo ang nagbigay sa akin inspirasyon. Para sa aking mga magulang, ito na ngayon ang aking handog para sa inyo. I offer my achievements to both of you. Without you by my sifde, siguro wala na ako ditto. For my dabarkads, salamat sa pagsama ninyo sa akin, sa mga kalokohan na ishinare niyo…heheheh” lahat sila nagtawanan. “Pero ang higit sa lahat….. ang pagpapakita sa akin na hindi ako iba sa inyo. Tinanggap niyo ang mga pagkakamali ko. For my Best friend….. Cris…….. Salamat sa pag-alalay sa akin. I owe you a lot…… iakw ang nandyan nung nasa kalungkutan ako at ikaw ang tanging dumamay ng walang humpay……. Ipinakita mo kung gaano ako kahalaga sa iyo………. You appreciate what I am and you give me a chance to show kung ano talaga ang kaya ko…….. You even correct my wrong at higit sa lahat………. Minahal mo ako ng higit sa kaibigan…… Minahal mo ako na para bang nakakababatang kapatid……. Thank you …….” Tumigil ako saglit upang kumuha ng tiyempo.

“Para naman sa dati kong kaibigan……” biglang napatigil ang lahat. “Humihingi ako ng sorry sa mga nagawa kong pagkukulang at nagging kasalanan ko…… Hindi ko alam kung paano maibabalik ang dati nating pagsasama…… pero kung alam mo lang kung gaaano ko kagustong ibalik ang dati nating pagsasama……. Na mimiss ko na ang pagtawa natin ng magkasama….. mga kalokohan na magkadamay………lalong lalo na ang pagdamay natin sa isa’t isa……… alam mo na kung sino ka……… Lagi mong tatandaan…… hindi ko makakalimutan ang pinagsamahan natin……” at isang masigabong palakpakan. Sobrang saya ko ng mga panahon na iyon. Naiparating ko na rin ang gusto kong masabi.

Nang lumingon ako pabalik sa upuan ko, nakita ko si Johan, nakayuko. Halos magkalapit kami dahil magkatabi ang Vale at Salu. Hindi siya umiimik. Buti na lang at naunang magspeech si Johan kaysa sa akin kung hindi siguro magkakamali pa ito dahil hindi niya alam ang gagawin.

Hanggang matapos ang program, hindi pa rin siya naimik. Pauwi na ako sa amin ng makatanggap ako ng text…… Mula kay Johan.

(Itutuloy)

1 comment:

  1. sino mas matanda sa mga characters dito at sa BFMV? valedictorian din si aj sa school nila right?

    ReplyDelete