Friday, May 7, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 9

Nagulat na lang ako ng sinampal ako ni Cris sa mukha. “Aray. Putik…. Ano ba?” pambulyaw ko sa kanya. “Ang galling mo rin. Napaikot mo ako.” Sagot sa akin ni Cris. “ano ba sinasabi mo?” tanong ko sa kanya. “Wag ka ng magmaang maangan pa……… Tado ka……. Minahal kita pero eto lang ang ginawa mo…….. Narinig ko lahat ng pinagusapan ninyo ng EX mo.” Nagulat ako sa lahat ng narinig ko kay Cris. “Babe, magpapaliwanag ako….. Mali ang iniisip mo!” pagmamakaawa k okay Cris. “ Explain? Hindi pa ba sapat na explain ang narinig ko sa inyo ni Johan? For God sake…… Niloko mo ako!” sigaw niya sa akin. “Ano ba? Pakinggan mo nga muna ako.” Biglang natigilan at medyo nawala ang galit sa akin ni Cris.

“oo, nagging kami ni Johan, and the fact remains na sa nangyari sa amin ni Johan, doon nagbago ang lahat. Ngayon nga hindi ko maintindihan ang sarili ko kung anon a ang nangyayari sa akin ngayon. Oo pumayag akong may mangyari sa atin at sa maniwala ka at sa hindi, minahal din naman kita.” Mahabang tugon kokay Cris. “pero niloko mo ako….. Ang sakit sakit….. Hindi ko akalain na magagawa mo to.” Sagot naman niya. Tumalikod siya sa akin at humarap sa may pintuan at bigla na lang Siyang lumabas. Hindi ko na siya sinundan at alam kong galit pa rin siya sa akin.

Maya maya bumalik na siya sa kwarto at nagsalita. “Mas mahal mo ba si Johan kaysa sa akin?” nangagatal ang boses niya. Natigilan ako, ayokong masaktan siya kung malaman niya ang katotohanan pero alam kong dapat sabihin ko na sa kanya ang totoo. “OO” maikli kong sagot sa kanya. Tuluyan ng lumaglag ang luha ni Cris sa kanyang mukha. Nagyon ko lang nakita siyang lumuha ng ganito. Alam kong nahihirapan ang magulang niya na tanggapin siya at ako pero pinipilit nila alang alang kay Cris. Mahal nila ang anak nila. Siya ang tanging anak nila at ayaw nilang mapariwara ang buhay nito.

Inalo ko siya. “Babe sorry, minahal naman kita eh kaso mas matimbang yung gagong yun eh. Tahan na please.” Isang halik ang ginawad ko sa kanya sa pisngi at bigla siyang nagsalita. “Babe, pwede mo ba akong bigyan ng pagkakataong pantayan ang puwang ni Johan dyan sa puso mo?” “Pero mahirap ata yun.” “kahit kalian maghihintay ko at susubukan ko para lang sayo. Bigayn mo lang ako ng pakakataon.” Pagpupumilit niya sa akin. “Sige pero hindi ko maipapanagako na talagang mangyayari yun.” Ang tanging sagot ko. “Okay lang, basta binagyan mo ako ng chance” at unti unting inilapit ni Cri sang kanyang mukha sa aking mukha at hinalikan niya ang aking labi. Muli namin pinagsaluhan ang gabi.

Nagising ako ng may naramdaman akong hinihimas ang aking buhok ni Cris. Bigla na lang siyang nagslaita: “Babe, gising ka na pala. Tulog ka pa, masyado pang maaga para bumangon ka…..” paglalambing sa akin ni Cris. “Babe, sorry kung naglihim ako. Ang hirap kasi ng sitwasyon ko eh.” Pabaling k okay Cris. “May tatanong ako sayo……… Pano ba nagsimula ang lahat sa inyo ni Johan?”.

Ikinuwento ko sa kanya ang lahat lahat ng nangyari sa amin. Sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa paghihiwalay namin at bigla na lang siyang nagsalita. “Babe, promise gagawin ko ang lahat…….. hindi ko hahayaang masaktan ka pa uli at hanggat maaari ilalayo kita kat Johan…….” “Salamat” iyon lang ang nasagot ko. Pagkatapos nung paguusap naming sabay na kaming natulog.

Paggising ko wala na si Cris sa tabi ko. Siguro bumaba na at hindi na ako inabala sa pagtulog ko. Kaya bumangon na ako at naghilamos at nagmumog. Nagsuklay na rin ako. Nagsuot na lang ako ng sando at shorts tapos bumaba na ako. Hinanap ko agad si Cris at iba pa. Pagdating ko ng kusina, ayon at abalang abalang nagluluto si Cris at Micahel. Habang si Ayan at Christine naman ay nagaayos ng lamesa na pagkakainan. Hindi ko nakita si Johan at Angel pero hindi ko na rin sila hinanap kasi magmumukhang tanga lang ako kung aasa akong hindi sila magkasama.

“O babe, gising ka nap ala. Gutom ka na ba? Wait lang kasi hindi pa ako tapos eh. Pagbati sa akin ni Cris. “Ah okay lang yun…… Punta muna ako sa may bakuran ha…… May nakita kasi akong kahapon na ring ng basket ball eh….. Papawis lang ako.” Paalam ko kay Cris. “Ok……. Tawagin na lang kita pag luto na pagkain” “Ok”.

Ang ganda talaga ng anscestral house nila Ivan, madaming mga Orchids at napalilibutan ng iba’t ibang puno. Nang malapit na ako sa may bakuran, narinig ko ang pagtalbog ng bola. Siguro naglalaro si Ivan, pero may narinig din akong kausap siya. Nakita ko si Ivan at si Johan, naglalaro ng baskeyball. Nakita ko rin si Angel na nanonood. Natigilan sila ng Makita nila akong nakatayo habang nanonood sa kanila.

“O Dylan, nandyan ka pala” wika ni Ivan. “Akala ko walang tao eh, maglalaro sana ako ng basketball.” Sagot k okay Ivan. “Ah ganun ba sige Sali ka na lang…… Okay lang til di ba?” tanong ni Ivan kay Johan. Tumango lang ito bilang sagot. Nagsimula na kaming maglaro. Siguro tumagal yon ng mga 30 minutes natigil lang nung tumatawag na yung mga kabarkada naming kasi kakain na.

Pagpasok ko pa lang ng bahay, agad na akong sinalubong ni Cris at may dalng towel. “O babe, basing basa ka na ng pawis, eto towel o.” sabay abot sa akin ni Cris. Naghubad na ako ng damit at pinahid ko ang pawis ko sa katawan. Tapos pumunta na ako sa may lamesa. Pansin ko lang kay Cris, sobrang caring niya sa akin hindi naman siya ganito noon. Naisip ko lang, siguro eto yung sinasabi niya sa akin kagabi. Pati sa pagkain inaasikaso niya ako. Sinusubuan pa nga ako na parang bata eh. “Kayak o na babe” sabi ko sa kanya. “Gusto ko susubuan kita kaya eto na……”

“wow ang sweet naman ng dalawa…. Kakainggit ano……. Sana may bF din ako na ganyan.” Biglang singit ni Christine. Kantyawan at hiyawan ang sumunod na narinig ko. Parang mga nagwawala pero hindi lahat Masaya. Pansin kong nagdaramdam si Johan. Kitang kita sa kanyang mga mata ang kalungkutan. Hanggang ng mag uwian kami, bakas ang lungkot sa kanyang mata. Walang imik at nagmumukmok sa sasakyan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako kila Cris para kamustahin sila Tita Sonia. Nang dumating kami, kasalukuyang nakain sila ng Ice cream. Galing yun sa pinsan ni Cris. Kaya kumain muna kami. Hapon na ako ng makauwi ng bahay.

Pagdating ko ng bahay, sinalubong agad ako ng makulit kong kapatid at humihingi ng pasalubong. Tapos sabi niya may bisita daw ako. Sabi ko naman sino naman kaya ang bisitang ito. Kapagod na may bisita pa. Sabi daw nasa taas daw yung bisita ko. Aba, at talagang nasa taas pa. Pag panhik ko sa taas, laking gulat ko kung sino ang nasa taas…….

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment