To all...salamat sa pagbasa......
sana po pakisagutan yung poll ko sa blog ko...tnx for viewing...
kuya, musta ka na....miss na kita...hahahahaha.....nagulat nga ako sa text mo skin eh...
rhey, wag ka ng mamroblema...... dadamayan kita....
sa lahat....hope continue viewing...tnx
olweix hir...
D.K
_____________________________________________________________________________________
Halos hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng makyta ko kung sino ang kasama ni Dave na tinutukoy niyang pinsan niya. Si Johan. Hindi ko alam kung anong gagwin ko sa mga oras na ito. Gusto kong magtatakbo at iwasan siya pero huli na ang lahat, nakita na ako ni Dave at ni Johan kaya napilitan akong lumapit. Habang papalapit ako, nakayuko pa rin ako. Hindi ko kayang Makita ulit si Johan pero may nagsasabi sa puso ko na its your turn to be with him again. Ito na ang chance para makausap siya. Ng magtaas ako ng mukha, nakita kong seryoso ang mukha ni Johan. Medyo nahihirapan ako sa mga sandaling iyon. Haixt. Ang hirap.
“Tol, eto nga pala ang pinsan ko si Johan……… Han, si Dylan pala…” pakilala sa akin ni dave kay Johan na para bang hindi ko ito kilala. Unang nakipagkamay si Johan. “Nice meeting you……” ang sambit ni Johan. Pilit ang ngiti ko ng mga sandaling iyon. “Nice meeting you too….” Sagot ko naman. Sa muling paglalapat n gaming mga kamay, naramdaman kong bumilis ang tibok ng aking puso. Para bang sasabog. Sabik na sabik ako sa kanya pero muli na naman akong nasasaktan sa ipinapakita niya. Para bang hindi man lang ako nag eexist at para bang hindi ako kilala ng mokong na ito.
Habang nag uusap sila, hindi ako nakikisali. Panay ngiti lang ako pag tinatanong nila. Napagmasdan ko muli ang mukha ni johan. Lalo siyang gumuwapo sa bago niyang haircut. Lalong nagmature ang mukha. Haixt.. ang hirap pala ng ganito, oo nga at nakita mo na ulit ang mahal mo pero masakit pa rin kung kahit anino mo man lang hindi niya pinapansin. Gusto ko ng magevaporate ng mga oras na iyon. Haixt. Kung kaya ko lang talaga.
At sa wakas at natapos na rin sila mag usap. Habang ako nakatunganga. Umuwi kami ng wala man lang hi at ho. Haixt. Nung gabing iyon, hindi ako makatulog. Naalala ko ang mukha ni Johan. Ang amo ng mukha niya ng mga oras na iyon at bagy na bagay ang suot niyang damit. Napansin kaya niya ang suot kong damit? Siguro hindi. Haixt….. ano ba ito……kala ko ba magbabago na ako pero bakit hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Kinuha ko ang ipod ko at nagpatugtog para magpalipas ng oras. Haixt. Nakashuffle ulit ung playlist kaya halo halo ito. Nasa time na ako ng patulog ng tumugtog ang kantang nag patama sa puso ko.
I remember the days
When you’re here with me
Those laughter and tears
We shared for years
Mem’ries that we had
For so long it’s me and you
Now you’re gone away
You left me all alone
Go on, do what you want
But please don’t leave me
You’ll break my heart
Hey, what should I do
Babe, I’m missing you
Please don’t disappear
These are the words that you should hear
Time and time again
I wish that you were here……
Bakit ba ako ginaganito. Nahihirapan na ako…… gusto ko ng pakawalan ang lahat ng laman ng puso ko. Gusto kong itapon pero bakit ganon hindi ko magawa. Hanggang sa makatulugan ko ang mga isipin na iyon.
Kinabukasan, medyo wala ako sa mood na bumangon at mag gagalaw. Haixt,……. La talaga ako sa mood…….. Bakit ganun….. ang hirap……. Halos nakakulong lang ako sa kwarto ko nun… Nagmumukmok at halos walang balak kumain maghapon hanggang sa mag ring ang cell phone ko. “haixt sino kaya to…” sabi ko sa sarili ko. Si Crisp ala. Hehehehe. “Hello……” sabi ko. “Ui, bhest….. miss na kita…….. Nga pala…. I check mo kung sino ang nasa baba ng dorm mo ngayon…” taking taka ako ng bumaba ako sa kwarto ko. “Oi ano ba tong pakulo mo….. baka ako ay niloloko mong gago ka ha….patay ka sa akin…..” sabi ko sa kanya. Nagulat ako ng Makita ko nalang si Cris sa baba ng dorm namin.
“Ui…….buti napadpad ka ditto…” sabi ko sa kanya. “Eh namiss kita eh…..” sabi niya. Nung araw ding iyon, namasyal kami. Lumibot kami sa kung saan saan. Hanggang sa mapadpad kami sa isang park. Halos sinusulit ni Cris ang pagsama niya sa akin. Naalala ko tuloy yung mga araw na nagging kami. Para bang ang sarap balikan. Kasi parang wala nang mahihiling pa. Kaso nga lang hindi na kami pwede. May kanya kanya na kaming landas na tinatahak. Haixt. Kamusta na kaya si Johan. Naalala pa kaya niya ako? Naalala ko pa nga yung text niya sa akin eh…..
“Dylan, gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na lapitan, hawakan at yakapin kita. Matagal ko nang gustong gawin yon pero pinpigilan ko lang. Ayoko ng masaktan ka. Congrats, ingat lagi. Love You.”
Hindi ko lubos maisip kung bakit ganon na lang yung trato niya sa akin kahapon. Nagbago nanaman ba ang ihip ng hangin? Bakit ikinahihiya niya ba ako? Gano ba talaga kalaki ang galit niya sa akin at pinaglalaruan niya ako. Naisip ko tuloy, baka pinapaasa lang niya ako. Habang nag iisip ako ng ganun, biglang napadako ang aking mga mata sa may harapan namin. Halos hindi ko kayang tumingin ng diretso sa nasasaksihan ko.
“Dylan, hoy……. Okay ka lang ba?” sabi sa akin ni Cris. Natauhan ako ng mga sandaling yon. “Ah…..ah…eh……” Hindi ako makahagilap ng aking sasabihin. Napansin yon ni Cris. “Ano bang nagyayari say o at parang wala ka sa sarili mo?” tanong niya. Hindi ako makapagsalita. Para bang ayaw ko nang pag usapan. Walang lingon lingon sa kanya bigla na lang siyang nagsalita. “Ayon ba ang pinagkakaganyan mo…..?” sabi niya. Tumingin ako sa dakong itinuturo niya. Alam na niya. Hindi ako makapagsalita.
“Si Johan pa rin ba ang pinagkakaganyan mo? Ha?!!!” may pagkamataas na ang boses niya. “Hindi mo pa rin ba siya makalimutan ha? Akala ko ba…..akala ko….. ba ay nakalimutan mo na siya….. gumising ka sa katotohanan………. Sinasaktan ka lang niya….. Tiganan mo oh….. ganyan ba ang matino ha?.........” malakas na ang boses niya. “Cris, huminahon ka please…… Please lang…….. Alam ko tanga ako…… tanga na hindi ko maiwan iwan ang nararamdaman ko para sa kanya….pero sa maniwala ka at sa hindi sinusubukan ko…….” Tuluyan ng bumagsak ang luha ko sa mata. Ramdam ni Cris ang pangungulila ko kay Johan. Sino ba ang hindi magkakaganito kung Makita mo ang taong mahal mo na nagsabi say o ng I love you tapos makikita mo lang na may kasamang ibang babae. Ang sakit diba.
Maganda ang kasama niyang babae, matangkad, mahaba ang buhok at talagang kaakit akit. Napansin ko rin ang iba nilang kasamahan. Mga 8 silang lahat. Hawak hawak pa rin ako ni Cris ng magtama ang mata naming ni Johan. Alam kong alam niyang umiyak ako. Halos nagmadali siyang lumayo sa babae niyang katabi at para bang nangungusap ang mga mata. Inaya na lang ako ni Cris na umalis ng lugar na yon.
Doon muna natulog si Cris sa dorm ko. Inaalo pa rin niya ako sa mga oras nay un ng may kumatok sa pinto ko. Ka dorm mates ko maghahapunan na daw. Kaya yun bumaba na kami ni Cris. Pinakilala ko siya sa mga ka dorm mates ko. Tinanggap naman siya. After 1 hour umakyat na kami. Napansin kong matamang nakatitig sa akin si Cris. Nung una hindi ko pinansin pero nung makaakyat na kami tinanong ko siya. “Ok ka lang….” Hindi agad siya sumagot. Ilang saglit pa ng bigla na lang siyang nagsalita. “Ah…. Dylan……. Hwag mo ng pahirapan ang sarili mo….” Nangagatal ang boses ni Cris sa mga oras na iyon. “Ayokong nakita kang nagkakaganyan ng dahil lang sa walang kwentang taong yun……… Nasasaktan din ako pag nakikita kang nasasaktan….mas doble pa…… kung bakit kasi nagawa ko pang mga bagay nay un noon…di sana,,….. tayo pa………” may lingid na ng luha ang kanyang mata.
Halos hindi ako makapagsalita sa sinasabi ni Cris sa akin. Hindi ako makaimik. Naramdaman ko na lang na may humahalik sa aking mga labi. Masuyo at puno ng pagmamahal. Hindi ko alam kung ano ang nagyayari pero nagpaubaya ako.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment