Sunday, May 30, 2010

Ang Best Friend Kong Lover Chapter 2- Part 5

to all... salamat po sa pagtutok ng story ko.......sa mga nalilito...pasensya po...
malalaman niyo kung bakit sa nest part.

to kuya, nxia ha...sa pangungulit ko...miss you na...hehehehe...love you kuya

to my bhie, haixt....love yah..muaxs

to kuya randel, pasensya sa pangungulit ha....... tapos kung minsan inaaway kita...

to rj, pare koy......hahahahahahha....

to russ at sa love niayng si rejie, magtagal sana kayo.

to, alvin.....hahahah...may greetings ka na ulit....

yung fb at blog ko pakitingin na lang sa last posts ko..heheheh

nxia sa mga hindi ko nagreet

olweix hir.....

D.K

_____________________________________________________________________________________
Halos mabitawan ko ang aking ipod ng marinig ko ang isang palakpak. Si James at nasa likod ko. Nakangiti at tuwang tuwa. “Nice… ang ganda ng boses…… hahahah…..” Isang ngiti lang ang sinagot ko. “ganda pa rin ng tugtog…. Favorite ko yan…. Ang ganda ng message eh…”. Tumabi na siya sa akin. Hindi ko alam pero maykakaibang pakiramdam ako ng magdikit an gaming mga balat. Para bang ayaw kong mapahiwalay pa sa kanya.






Nakatulala siya sa madilim na langit ng mga oras na iyon ng magsalita siya. “Alam mo ba, nung Makita kitang umiiyak non. Nasabi ko sa sarili ko, siguro problema din yun sa pag ibig. Ang hirap pala pag ikaw na yung mismong nasasaktan. Ikaw dati yung nagbibigay lang ng advice ngayon ikaw na ang nangangailangan ng advice. Ang hirap…. Dala dala mo pa rin hanggang ngayon…” sabi niya. Nagtanong ako. “ano ba problema ngayon? Pwede mo sa aking sabihin baka matulungan kita.”





Matagal bago siya mag salita. Inintay ko talga. “Kasi….. masakit eh…….lalo na…ng Makita mo na yung mahal mo……nasa piling ng iba……at mas masakit pa….na ang mahal mo…….may gusto sa kapatid mo…… at kakambal mo pa….” Lalong umikot ang pagkakabit ng puso ko. Ngayon alam ko na na talagang hindi na ako mahal ni Johan. Masakit man pero kailangn tanggapin. “Gaano ba kayo katagal?” tanong ko sa kanya. “Ah eh……2 taon na kami…pero sabi niya….mas mahal daw niya si kuya….. kaya ganon na lang ang galit ko kay kuya….. mula pagkabata…siya na….sa kanya na ang lahat…pinaghiwalay na nga kami ng bahay eh…….. pati school…..” pagkwento pa niya. Medyo natahimik siya ng konti. Tapos biglang tumawa. “Ang drama ko no? ewan ko ba pero ikaw lang ang nasabihan ko nito…. Pakiramdam ko kasi secure ako pag ikaw yung pinagsharan ko nito…. Hope na kahit papaano nakilala mo ako….” Bigla na lang siya tumayo at dumeretso sa banyo. Ako naman tumayo na rin at dumeretso na sa kama. Kahit amaga pa, natulog na ako. Hindi ko na hinintay na matapos si James at yun nauna na akong matulog.






Isang kalabit ang gumisisng sa akin. Si james pala. Umaga na daw at kakain na. Wala pa ako sa sarili ko nun. Kaya nakatayo ako ng nakapikit pa. Nang medyo nahimasmasan ako, pumunta ako ng banyo. Naghilamos at nag mumog. Inayos ang aking buhok saka lumabas. Paglabas ko nakita ko si James wlang pang taas. Wooooh…… Medyo natulala ako dun. Ang ganda ng hubog ng katawan nito pero may napansin akong marka sa likod niya. “Gawa yan ng aksidente.” Biglang sabi ni James. Nagulat ako ng malaman niyang nakatitig ako sa katawan niya. Hala nahuli ako. “Ah…eh….ano nangyari?” pambawi ko sa kanya. “Nung mga bata pa kami nan ni kuya, sa sbrang pag-aaway naming ni kuya, hindi sinasadyang mapadali ako dun sa alamber sa bakod naming. Kaya ayon, nagkasugat…” paliwanag niya. Inaya ko na siyang bumaba para mawala ang pagkalito ko.





Unti pa lang kami ng bumaba kami. Akala ko dun siya uupo sa may tabi Ni Dave pero laking gulat ko ng bigla siyang tumabi s akin. “O, bat di mo sinabayan pinsan mo?” “Ayaw mo ata ako ditto eh…sige aalis na ako.” Pagtatampo nito. “Loko, may pa tampo tampo ka pang nalalman….” At yun at nagtawaan kami. Naging malapit agad ang loob naming sa isat-isa. Hindi naman mahirap makisama sa kanya eh. Mabait naman siya. Matalino, maalaga at mapagkakatiwalaan. Buti na lang at maganda ang ugali niya.





Pero isang araw, bigla na lang siyang nagbago. Malungkutin, magagalitin at maiinitin ang ulo. Kapag lalapitan ko siya dinededma lang ako. Pag kinakausap ayaw naman sumagot. Ang hirap na niyang kausapin. Yung dating taong puno ng sigla ngayon, nawalan na ng sigla. Minsan pa nag eh itinaboy niya ako. Medyo nalungkot ako sa nagngyari. Gusto kong malaman ang mga nasasaloob niya.





Mag gagabi nun ng sinubukan kong lumapit sa kanya. Nung una hindi niya ako pinansin, kaya ang ginawa ko nagtaas na ako ng boses. “Hoy, ano ba nangyayari say o……. bigla ka na lang nagkaganyan…. Wala kang sinasabi……” “Wag ka ng makialam…” sabi niya. “Wag makialam? Ha…yun ba gusto mo……. Kaw na pinagmamalasakitan dyan eh….. kaw pa may ganang magalit….kung hindi kami naapektuhan sa ginagawa mo saka kami hindi makikialam…alam mo ba…araw araw tinitiis ko para say o… alam kong may rason kung bakit ka nagkaganyan….Kaya heto ako oh…nasa harapan mo…..akala ko ba eh may tiwala ka sa akin..bakit ngayon parang wala…ang hirap mong kausap…” pasigaw kong sabi sa kanya. “Ah ganun ha…gusto mong malaman….. malaman lahat ng problema ko…..kung alam mo lang kung gaano kabigat ito…….. Ikaw ba naman ang problemahin ang pag trato say o ng iba…para akong may nakakahawang sakit………lath ng kamag anak ko galit sa akin…suwail daw ako walang modo……. Ginagawa ko ang lahat….pero ganun pa rin sila…hindi ko sila maintindihan…lalo na ang pamilya ko…lagi nalang si kuya ang kinakampihan…..bakit si kuya lang ba ang anak nila ha?...ang sakit,…..alam mo bay un ha……” tuluyan na siyang humagulgol.





Lumapit ako sa kanya ay niyakap siya. “Tahan na…..alam mo…dapat nilalabas mo lang yan….nandito ako handing making…….” Sabi ko sa kanya. “Salamat tol……ikaw lang ang nakakintindi sa akin….sana pala ikaw na lang ang nagging kapatid ko….anjan lagi sa tabi ko…hindi ako pinapabayaan…” umiiyak pa rin siya. Ikinuwento niya sa akin ang lath. Napakalalim talaga ng galit niya kay Johan. What if malaman niya na may kaugnayan kami dati ni Johan. Siguradong magaglit siya. Pero paano ko sasabihin sa kanay yun. Haixt….. habang nagiisp ako nun…..nakatulala pa rin ako sa kisame…..Matagl na ang katahimikan kaya hindi ko napansin na nakatulog nap ala si James sa lap ko. Hinaplos haplos ko ang kanyang buhok. Lalong gumuwapo si James pag tulog. Ang ganda ng ilong niya, makinis ang mukha at mapupula ang mga labi. Para bang nagyayayang halikan ito. Pero hindi ko gagwin yun. May tiwala sa akin sui James kaya wala akong balak. Nasa kama kami ni James nun kaya hindi ko namalayan na nakatulog na ako.







Pag gising ko nakahiga na ako. Pero hindi sa unan kundi sa hita ni James. Umaga na nun at sabado at wala kaming klase. Bumangon ako at nag good morning sa kanya. Ganun din ang ginawa niya. “Kanina ka pa gising?” tanong ko. “AH agigising ko lang…. nakita ko kasi na nakatulog ka ng hindi ayaos kaya binaliktad ko para naman maging maayos tulog mo……nga pala….salamat kagabi ha…..” at bigla na lang niya akong niyakap.




(Itutuloy)

2 comments:

  1. nku nku nku!! kinikilig nko ah..hahahaha

    ReplyDelete
  2. hi dk...
    isa rin ako sa taga subaybay sinulat mo story. at ang masasabi ko super ganda ng story mo. bilib nga ako sayo.
    sana patuloy ka pa rin mag sulat ng mga story na kung saan nakakapag bigay saya sa aming mga taga subaybay mo. maraming salamat sa isang napagandang story na ibinahagi mo sa amin.. asahan mo susuportahan ka pa namin sa mga susunod mo mga kwento na gagawin.
    God bless and TC

    ReplyDelete