Thursday, May 13, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 13

Pagkabukas ko ng pinto, halos mabuwal ako sa pagkakatayo. Laking gulat ko ng Makita ko……. Makita ko si Cris……. Nasa kama…… kasama si Angel….. walang saplot pareho at magkayakap pa…….Halos hindi ko matantya kong anong gagawin ko…. Kung susugurin ko ba sila o tatkbo na lang…. Kahit papaano….. nasaktan pa rin ako….. oo may feelings din ako kay Cris pero hindi ko alam na siya rin pala ang dudurog ulit ng puso ko. Tuluyan na ngang lumaglag ang luha ko sa aking mata. …….. PAgkatapos ng ilang minute kong pagkakatayo….. Bigla na lang akong tumakbo at ibinagsak ang pintuan….. halos padabog ko itong binagsak….. Wala akong pakialam kung magising sila basta ako…. Kailangan kong makalayo….makalayo sa isang impyernong nagbibigay sa akin ng pasakit….



Tumatakbo ako sa may side ng dagat ng maramdaman kong may isang kamay na humablot sa aking braso at bigla na lang akong napatigil dahil doon….. Pag angat ko ng mukha…. Nakita ko si Cris…. Hingal na hingal….. Nakahubad ang pang itaas at nakashort lang….. Siguro nagising sa pagkalampag ng pinto….



“Babe, mali ang nakita mo…… Hindi ko alam ang nangyari…… please magpapaliwanag ako….” Pinipilit niya akong pakinggan siya sa pamamagitan ng pagyakap sa akin. “You don’t need to explain….. Its enough….. at isa pa… patas na tayo…… I have done a mistake and so you are........” medyo itinatago ko ang aking pagluha. “Please give me a chance…. Let’s work it out…….” Sabi niya. “Alam kong ginagaw mo ang lahat para isave yong relationship natin…. Pero please….leave me alone….” Sabi ko. “Please…hear my words…” sabi niya. “Ayun na nga eyh….. nangyari na….. dapat hindi ka na lang nagpahuli dahil ang sakit sakit…. I owe you my life….. Akala ko hindi mo ako sasaktan….. I thought your different……. But I guess not…..” at mabilis akong tumakbo…. Narinig ko pa ang kanyang pagsigaw. “Dyllllllllllllllllaaaaaaaaaaaaaaaaaaannnn.” Mahabang sigaw niya.



Hindi ko alam kung saan ako napunta. Madilim pa nun at hindi ko alam kung anong lugar yon hanggang sa makabunggo ko ang isang lalaki. Taga roon at siya. “Naku po….. Tay sorry po…… Naliligaw po kasi ako…..” sabi ko sa kanya. “Naku totoy…… Pasensya din. San ka ba nakatira ditto?” tugon niya. “Hindi ko po alam ang tawag dun eh… pati umalis po ako sa may cottage namin……” sagot ko. “Bakit ka ba umalis?” tanong niya. Hindi ako sumagot hanggang sa nagsalita siya. “Samahan na lang kita sa inyo… Tara at hanapin natin ang daan papunta sa inyo…”. Halos magaalas singko na ng makarating ako sa cottage naming. Nagpasalamat naman ako kay tatang.



Hindi ako tumuloy sa kwarto namin ni Cris at sa sala na lang ako natulog. Antok na antok na ako. Alam kong tulog pa ang lahat dahil sa kalasingan. Hindi ko na lang namalayan na nakatulog ako dahil sa sobrang pagiisip. Naalimpungatan ko na lang na may humahaplos ng akong ulo. Nung una, hindi ko inintindi ito pero ng Makita ko kung sino ang gumagawa nun. Si Cris. Kalong kalong niya ang ulo ko at nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung paano siya nakapunta doon ng hindi ko namamalayan. Bigla na lang ako tumayo at lumayo sa kanya. Nandon na rin pala si Michael, Ivan, Angel at Christine. Kitang kita nila ang namumugto kong mga mata.

“Babe, please pakinggan mo muna ako…” pagmamakaawa ni Cris. “Bakit pa?.....para saan pa……. ha?......... aanhin ko pa………maliwanag na hindi mo na talaga kaya……. Alam kong nagkamali ako non ng hindi ko sinabing nagkaroon kami ng relasyon ni……..” natigilan na lang ako. Hindi ko masabi. “Oo alam ko…… inintindi kita Dylan……… kaya sana intindihin mo rin ako…….” Tugon ni Cris. Magsasalita pa sana ako ng biglang sumingit si Michael na para bang hurado na handing magpakulong sa sobrang taas ng boses. “Ano ba kayong dalawa…… Mamaya na ninyo yan intindihin….. may mas importante pa tayong dapat intindihin…….. Nawawala si Johan.” Nagulat ako sa sinabi niya. “Ano?” tanging nasambit ko. Pinaliwanag nila ang nagyayari.



Sinubukan nila na tawagan ang cell phone ni Johan pero ayaw nitong sagutin ang cell phone nito. Kaya napagpasyahan naming na mag extend ng pagstay sa resort na yon. Buong maghapon naming hinanap si Johan. Pero talaga sigurong mapaglaro ang tadhana pero kahit anong gawin nating hanap ay wala pa rin. “Baka naman kaya hindi natin mahanap kasi ayaw magpakita” biglang sabi ni Ivan. “Hwag naman sana.” Sabi ni Angel. Magdidilim na ng mapagpasyahan namin na bumalik na sa Cottage.



Lahat dismayado dahil hindi naming nakita si Johan. Pagpasok naming ng cottage, nakita naming si Johan. Ayon at nakatayo sa may kusina at nagluluto ng pagkain namin. Lahat sila sumalubong at tinatanong kung saan siya nagpunta. “Tado ka talaga, kung saan saan ka pumupunta. Ano ba nangyari?” tanong ni Michael. “Wow…… at talagang nag-alala kayo sa akin. Aba,kanina pa nga ako ditto eh…. Nagtataka ako kung bakit walang tao…..” sagot ni Johan. “Naku, kanda hanap na nga kami saiyo eh… Ay siya siya…….tara an at kumain…. Ano luto naba” tanong ni Ivan. Nasa ganon silang paguusap ng umakyat ako sa itaas. Naligo muna ako dahil hindi pa ako nakakaligo mula nung tanghali.



Nakaharap ako sa salamin ng biglang pumasok si Cris. Nagtagpo agad an gaming mga mata at ako na ang kusang bumawi nito. Lumapit siya sa akin habang tumayo naman ako. Hinawakan niya ako at tinitigan sa mata na para bang nagsasabi na pakinggan mo ako. Ako na ang unang nagsalita. “Ok….. para matapos na…. sige pagbibigyan na kita……. Makikinig ako sa explanations mo……. Sino ba ako para hindi making….. total pinakinggan mo rin naman ako diba…….”. “First of all……. Gusto kong humingi ng tawad sayo….. I know I made a mistake from you….. and im sorry for that….. Hindi ko alam ang nangyari….. Basta ang alam ko…….. nagiinuman kami tapos lasing na lasing na ako……. Tapos hinatid ako ni Angel sa kwarto…. Tapos ayun na…… pagkagising ko….. ayon na…. wala na akong damit…….” Nangangatal na sabi sa akin ni Cris. “Tell me the truth………. In…. in love ka ba kay…… kay Angel?” hindi siya makasagot…….. medyo natagalan siya…. “Silence means yes…” ang tangi kong nasabi. “Babe, mahal kita at ikaw lang…… please maniwala ka…..” sabi niya sa akin. “Babe, please…. Huwag mo ng pahirapan pa ang sarili mo………Alam ko ginawa mo ang lahat para I save tong relationship natin pero talaga sigurong hindi tayo pwede….. at least ngayon…… pwedeng pwede na kayo ni Angel.”



“Pero, hindi ko siya mahal……..pano tayo?” ang pahabol na sagot ni Cris. “Wala ng tayo…. And at this moment……. Wala na tayo…….. Hwag na natin pahirapan ang sarili natin…… let give our selves the freedom.” Niyakap ko siya. “Salamat sa pagmamahal….. hindi kita malilimutan……… ikaw ang nagbigay sa akin ng panibagong pag asa….” “Ayan ba talaga gusto mo?” tanong niya. “Kailanagan eh…..” sagot ko sa kanya. “Alam kong dahil din it okay Johan….. Pag nasaktan ka ulit ha…… Talagang babawiin kita sa kanya…. O kahit kanino….. Ganon kita kamahal….” Tuluyan ng tumulo ang luha ko sa sinabi niya at siniil na niya ako ng halik….. isang huling halik….. halik na pagpapatawad.


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment