Namalayan ko na lang tumutulo ang aking mga luha. Ang sakit sa pakiramdam. Hanggang ngayon, may communication pa sila ni Angel? Akala ko ba……. Ang alam ko wala na pero bakit nag kaganito. Tuloy tuloy na ako sa kwarto ko at doon tinuloy ang pag iyak. “Gago ka, akala ko ba mahal mo ako, eh bakit nagkaganito.” Galit kong pinagsusuntok ang mga unan sa kwarto ko. Galit nag alit ako.
Nang mawala na ng unti ang sakit na naramdaman ko, chineck ko ulit ang kanyang cell phone. Binuksan ko ang kanyang inbox. Hindi ko kayang Makita ang pangalan ni angel sa mga ito pero laking pagkaguho ng puso ko ng makitang halos puro kay Angel ang message. Binuksan ko at binasa ang bawat message. Medyo nawala rin ito dahil ng Makita ko eh puro pang project ung nakalagay doon. Oo nga pla sila ung magkagroup sa Physics. Pero bumalik din ito dahil ng Makita ko ang isang message na nakalagay: “Lam mo ba Han, love pa rin ata kita. Wn ku ba kng bkt pnkwalan pa kta. Sna mgng tayo ult kc…… mahal na mahal pa rin kita. Pwede ba tayong magkita ngayong hapon?” Yun na at parang mawawala na ako sa sarili ko. Ganito pala ang pakiramdam ng niloloko. Ang sakit. Walang kasing sakit. Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko. Hanggang makatulog na lang ako.
Kinabukasan pasukan na ulit. Matamlay ang pakiramdam ko. Nagsidatingan na ang mga kaklase ko pero ako eto nakaupo at nakatulala. “Dylan, okei ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo? Anong nangyayari sayo?” tanong sa akin ni Cris. “Ok lang ako, medyo masama lang ang pakiramdam ko pero ayos lang.” sagot ko sa kanya. “Sure ka? Gusto mo ikuha kita ng gamot?” “Naku, wag na…. Mamaya ok na ako.” Mayamaya lumapit sa akin sin Johan at hinila ako palabas ng room. Napilitan na lang akong sumama dahil gusto kong makausap siya ng masinsinan.
“Ok ka lang ba? Pasensya kahapon ha……. Promise hindi na ako magkakaganito ulit. Maging okei ka lang.” pagammakaawa niya sa akin. Matama ko lang siyang tinitigan at sinabi ko sa kanya. “Ok na. Hwag ka ng gumanyan. Pinapa……laya na kita…”. “ano? Hindi kita maintindihan!” “ang sabi ko, pinapalaya na kita. Im giving your freedom.” Sambit ko na lang sa kanya. “Bakit? Dahil ba kahapon. Pwede pa naman natin to pag usapan!” “O, itanong mo sa cell phone mo. Bakit ako nagkakaganito. Piangkatiwalaan kita, binigay ko buo kong pagkatao tapos eto…. Ha…. Minahal kita, sobra sobra tapos malalaman ko, may connection kayo ni Angel? Sabi mo wala na pero ano itong nakita kong paglalambingan ninyo? At nagkita pa kayo kahapon. Ang sakit Johan, sobra.” Ayon na lang at tuluyan ng lumaglag ang mga luha ko sa mata. “Mali ang iniisip mo Heart, wala akong balak balikan siya. Ikaw na ang mahal ko wala ng iba. Ikaw ang nandiyan pag may problema ako, ikaw ang kinkitaan ko ng pagmamahal. Pls. wag mo akong iwan. Mahl na mahal kita.”
“Ang sakit Johan. Hindi ko kyang magpaloko. Please lang. Ayaw ko na… Dinurog muna ang puso ko.” Ayon na lang at iniwan ko na siya. Kahit na tinatawag pa niya ako hindi pa rin ako lumingon. Natapos ang klase ng hindi ko kinikibo si Johan.
Mga isang lingo na ang dumaan pero andon pa rin yung sakit. Ewan ko ba, siguro talagang mahal na mahal ko ang Mokong na yon. Sabi ko sa sarili ko, ang daming iba dyan, mag babae na lang ang puntiryahin mo at least legal pa. Padaan ako ng passage ng marinig ko ang tugtog na When Your Gone. Dahil sa kantang yon, unti unti na naming bumalik ang sakit na naramdaman ko. Gusto kong ibalik ang dati naming pagkakaibigan pero mahirap na ata eh. Buong maghapon na lumulutang ang isip ko sa langit. At napagtanto kong makipag kaibigan na ulit sa best friend ko. Hanggang magkaibigan na lang talaga. Medyo hindi na rin naman ako nalulungkot kasi pinapasaya naman ako ni Cris kahit paunti unti. Minsan nga nakikita kong nakatitig siya sa mukha ko at pag tumingin ako unti unting nginunguso ung labi at sasabihing “O eto ang power kiss…hehehhehehehe”. Loko talaga yon. Ganun siya magpasiya. Ewan ko ba pero parang nagkakagusto na ako sa kanya.
Thursday nun ng mapagpasiyahan kong makipag usap kay Johan. Makikipagayos na ulit ako sa kanya. Ipinag tanong ko siya nung uwian kung nasaan siya. Sabi nila nasa Court daw. Sabi ko naman Ok. Uwian na nun kya siksikan ang passage. Pagdating ko sa court, natigilan ako. Tama ba ang nakikita ko, Si Angel nakayakap kay Johan. Napatulala ako sa nakita ko, ssiguro sila na. Nakita ako ni Johan na nandun kaya Kumawala agad siya kay Angel.
“Pasensya ha, nakaistorbo ako. Di ko sinsadya, sige ituloy niyo lang. Alis na lang ako.” Ang tanging nasambit ko. “Dylan wait lang!” dali dali siyang tumakbo at hinablot ang kamay ko. “O bakit? Sige lang hwag na kayong mahiya, ituloy nio na yan.” “Saglit lang. mali ang iniisp mo.” “Hwag ka ng magpaliwanag, bakit ka nga naman magpapaliwanag diba wala na tayo?” “Pero….” “Nga pala, nandito ako para sabihin sa yong napatawad na kita at gusto ko na sanang…… makipagayos ulit sa yo tol…..pero sa tingin ko hindi na kailangan” sambit ko sa kanya. “Ewan ko, kung magkakaayos pa tayo Heart” Bigla akong napatigil ng masambit ko ang salitang Heart. Ahrhggggsss… kakainis, baka isipin ng lokonh ito na mahal ko pa siya, bakit hindi ko nab a siya mahal? Ah ewan ko…. “Heart? Ibig sabihin mahal mo pa rin ako?” tanong niya. “Nagkamali lang ako sige alis na ako.” Pamamaalam ko sa kanya. “Dylan wait lang.” sigaw niya. “O Dylan nandito ka pala, kanina pa kita hinahahanap, tara na sabay na tayong umuwi.” Nagulat ako ng makita kong nakatayo si Cris sa harapan ko at hinihintay ako. Nang lumingon ako kay Johan, nakita ko ang mga kamay niya at tila galit na nakatiklop. Kaya nagmadali akong tumakbo papunta kay Cris para uamalis na at baka may mangyari pang iba.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment