sorry kung natagalan ha.... ang hirap kumuha ng time mag post eh........
to kuya ko......love you po........wag ka ng magalit sa akin......kung minsan pala biro ako.....pagpasensyahan mo na ako..... magbaago na ako para sa yo.....
sa mga nagsuport sa story....tnx po...pinapaganda ko po yung flow ng chapter 2....kaya natatagalan.....
olweix hir....
D.K
___________________________________________________________________________________
Nagulat ako ng makatanggap ako ng isang text mula kay Johan. Nag iisip ako kung ano ang maaaring maging laman ng text na iyon. At kung bakit ba siya nagtext. Binuksan ko ito. “Dylan, gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat. Kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na lapitan, hawakan at yakapin kita. Matagal ko nang gustong gawin yon pero pinpigilan ko lang. Ayoko ng masaktan ka. Congrats, ingat lagi. Love You.”
Nagulat ako sa mga nangyayari. Nagtext siya sa akin ng ganun. Ang buong akala ko galit siya sa akin pero hindi pala. At higit sa lahat, mahal pa rin pala niya ako. Nireplayan ko siya pero hindi na siya nagtext ulit. Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Iniisip ko pa rin ang tinext niya. Siguro kailangan namin magkaliwanagan.
Hapon na ng pumunta ako sa bahay nila Johan. Naabutan ko pa ang nanay ni Johan. “Gandang hapon po Tita Rose. Andyan po ba si Johan?” tanong ko. “Naku, ikaw bata ka. Bakit ngayon ka lang ulit pumunta ditto. Ang tagal na nung pumunta ka ditto ah. Naku…… Nga pala… Hindi ba sinabi sa yo ni Johan?....” sagot nito. “Ang alin po?” tanong ku ulit. “Naku yung batang yon oo….. Kaaalis lang ni Han kasama niya tatay niya.” “Ah ganun po ba? Anong oras po balik niya?” “Naku, baka don nay un magbakasyon kasama ang tatay niya.”. “Ah ganun po ba? Sige po alis nap o ako.” Sabi k okay Tita Rose.
Nakalutang ang aking isipan habang naglalakad pauwi. Tinawagan ko siya sa Cell phone niya pero out of coverage area. Hanggang makarating ako sa bahay naming. Sinalubong agad ako ni Nanay.
“Anak, naku matutuwa ka sa sasabihin ko……… Nakapasa ka sa pinag examan mo para sa college sa Maynila….”
“Talaga nay?”
“OO…. Naku tuwang tuwa din ang tatay mo….”
Yun na nga. Nakapasa ako sa Pinag examan kong school sa Maynila. Pero hindi pa rin ako okay kasi hindi ko pa rin alam kung nasaan si Johan.
Nagbakasyon kaming magkakabarkada sa Resort na pinuntahan naming dati. Ang hindi lang kasama ay si Angel at Johan. Pero kami kami pa rin. Naging Masaya naman ang pananatili namin sa resort na iyon. Si Michael at Ivan, magaaral ng College sa magkaparehong school sa Bulacan. Si Aya naman sa Batangas. Si Christine sa Manila din. At si Cris, uuwi sa Rizal para don na mag-aral. Sinulit na naming ang natitirang panahon na magkakasama kaming magkakabarkada. Kahit hindi kami kumpleto ayos lang. Naging masay naman kami kahit papaano.
“O best, nag enjoy ka ba?” tanong ni Cris sa akin. “Oo naman, ako pa.”sagot ko sa kanya. “Haixt salamat at nag enjoy ka…. Nga pala may ibibigay ako sa iyo…” inilabas niya ang isang kahon. Binuksan niya ito at lumabas ang isang kwintas. “Woooh…. Bigatin ka nap ala best, nakakabili ka na ng kwintas.” Biro ko sa kanya. “Loko ka talga….. Ingatan mo yan ha…. Pag iyan winala mo….. nako magbabayad ka sa akin….hehehhehe…. Mag ingat ka sa Maynila ha….. hwag kang makakalimot mag text man lang o kaya ay tumawag.” Mahabang
Sabi niya sa akin. “oo promise yan…” yun na at nagsimula na kaming mag inuman. Mamimiss ko itong mokong na ito. Kahit na may pinagdaanan kaming mga pagsubok, nagging okay naman kami.
Ilang araw na lang at luluwas na ako ng Manila. Mag rerent ako ng Dorm. Habang papalapit ang araw na iyon, amlalim pa rin ang iniisip ko. Nasaan na kaya si Johan. Wala man lang akong balita sa kanya. Naalala ko rin yung taong nagbigay sa akin ng panyo. Sino kaya yon at bakit ganun na lang ang nangyari sa akin ng Makita ko siya. Kamukha niya si Johan. Ewan ko. Naguguluhan ako…..
Sa mga panahon na malapit na akong lumuwas, talagang sinulit naming magkakabarkada ang pagbobonding. Kain ditto kain dyan…. Gimik ditto gimik dyan.
Dumating na ang araw ng pag luwas ko ng Maynila. Pagdating ko doon magsisismula ulit ako sa umpisa. Kakalimutan ko na ang dapat kalimutan. I will move on. I gotta go my own way. Pag iigighin ko para maaga akong matapos. Taas noo akong haharap sa panibagong bukas. Past is past and never been back. At kailangan harapin ang bukas hindi ang kahapon.
(Itutuloy by Chapter 2)
No comments:
Post a Comment