Friday, May 7, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 7

Hindi pa rin ako makapaniwala na may nangyari sa amin ni Cris. Parang kagabi lang eh ayun, nag iinuman, nagkwentuhan at naghaharutan. Hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito. Ano ba talaga ako? Di ba dapat babae ang katabi ko ngayon at hindi lalaki? Naguguluhan ako, noong wala pang nangyari sa amin ni Johan eh hindi naman ako ganito. Bakit ako nagkakaganito? Alam ko sa sarili ko na lalaki ako pero sila? Bakit nila ako ginaganito. Ewan ko ba, parang kakaiba to.

Gising na ako ng medyo magising si Cris. Nakayakap pa siya sa akin. “Dylan, salamat at nagpaubaya ka. Alam ko nagtataka kung bakit tayo nagkaganito. M..amama…..mahal na kita eh…. Nung una kitang Makita nagkagusto na ako sayo. Ewan ko ba pero parang naatract na ako sa yo. Hanggang sa nalaman ko na lang na hinahanap hanap na kita. Alam mo ba, say o ko lang ito naramdaman. Kilala ako sa dati kong skul na chickboy dahil halos lahat ng magaganda sa amin, nagging shota ko na. pero ewan ko kung bakit napamahal ako say o.” Seryoso niyang sambit sa akin.

Nang mga oras na iyon, hindi ko napigilang lumuha dahil dalawa na ang nagkaka Ganito sa akin at ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya. Pwede na naman kami kasi wala na kami ni Johan at medyo may gusto rin aman akO ng konti kay Cris pero hindi ko alam kung tama ba yong ginagawa ko. “Cris, sa totoo lang…. hindi ko alam kong tama ang ginagawa natin.” Ang tangi kong nasabi kay Cris. “Alam ko nagugulUhan ka pero eto lang ang tatandaan mo…. Mahal kita at ipagsisisgawan ko yan sa buong mundo.” “loko ka talaga. Edi nabugbog ka ng tatay mo. Pati tiyak na papagalitan ako nila mama at papa pag nalaman to.” “Lam mo Dylan, wag kang mag-alala kay papa kasi……… alam na niya.” Ang sabi sa akin ni cris. “Ha? Sinabi mong mahal mo ako? Ano ang sabi sayo?” pagulat kong tanong sa kanya. “Siyempre nung una nagalit, pinagsususntok ako kaya nga nung nakaraang biyernes ay medyo paga ang panga ko eh. Tapos nung mga lingo, kinausap ulit ako nila mama at papa. Ang sabi nila pasensiya kung nagalit sila at naiintindihan na nila ang sitwasyon ko. Sinosoportahn na daw nila ako basta daw Masaya ako. Laht ng iyon ginawa ko para lang sayo….” Ang tugon sa akin ni Cris.


Hindi ako makapaniwala na alam na nila Tito Bert at Tita Sonia na mahal ako ni Cris. “Cris, salamat sa pagmamahal mo ha. Alam kong pinaghirapan mo ito kaya…… salamat talaga.” “Isa lang ang hinihiling ko sayo, pwede bang maging tayo Dylan?” tanong sa akin ni Cris. Medyo nag isip ako ng unit. Gusto kong makalimutan na si Johan. Kaya pumayag ako. “Sige Cris, pumapayag ako.” Sabay halik sa pisngi niya. “Talaga? Naku matutuwa sila mama pag nalaman to. Salamat sa pagmamahal mo. Pinapangako ko say o mamahalin kita at hindi kita sasaktan. I Love you babe.” Tuwang tuwa si Cris ng mga sandaling iyon.


Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na ni Cris. Sa katunayan naka 3 months na kami. At dahil December nun, napagpasiyahan naming magkakabarkada na magbakasyon sa anscestral house nila Ivan sa Batnagas. Kaya pagkatapos ng Christmas party namin, kinabukasan pumunta na kami. Kasama naming si Ivan, Michael, Sam, Christine, Angel, si Aya at si Johan. Siyempre kasama din kami ng babe ko na si Cris. Alam ng grupo ang tungkol sa amin ni Cris. Nung una sobrang nagulat sila at tinatanaOng kami ng kung anu-ano pero tanggap na nila kami. Alam ko deep inside kay Johan galit siya kay Cris. Lagi kasi niya nirereject mga suggestions ni Cris since siya ang Student Council president. Sa akin aman, alam kong may gusto si Aya kay Cris dahil ang lagkit nito makatitig kay Cris at garabe kong pumulupot. Kaya miNsan hindi na ako umaalis sa tabi ni Cris.


“Babe, una ka na sa taas, magaayos lang kami ditto sa baba.” Sabi ni Cris sa akin. “Ah sige, yung mga gamit mo nga pala akin na.” kinuha ko ang gamit ni Cris sa kanya at sabay kami ni Ivan uamakyat. “Hoy tol, ingatan mo babe ko ha, baka kung ano gawin mo dyan ha…jejejeje” sigaw ni Cris kay Ivan habang umaakyat kami sa hagdanan. “Loko ka talaga.” Sigaw k okay Cris. “Yaan mo, dadahan dahanin ko ang pagpapaligaya ko sa babe mo.” Paglolokong sagot ni Ivan kay Cris. “Loko ka humanda ka sa akin pag may ginawa ka dyan.” Pasakay na sagot niya kay Ivan. “mga loko kayong dalawa.” Ayon na lang ang sinabi ko at tuloy tuloy na akong umakyat.


Itinuro sa akin ni Ivan ang kwarto naming at tinulungan na rin akong magbuhat ng gamit naming. “Okay nab a yan?” tanong sa akin ni Ivan. “OO thanks, salamat.” Sagot k okay Ivan. Nagulat ako ng mga ilang minute ay hindi pa rin lumalabas si Ivan. “O, may kailangan ka pa?” Tanong k okay Ivan. “Meron pa……. IKaw.” Tanging sagot niya. Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Ivan sa akin. Anong nangyayari sa kanya? Baka nagloloko lang ito. “Loko, alis na nga at magbibihis ako. Kung anu-ano pa ang sinasabi mo eh.” “What if totohanin natin ang lokohan namin ni Cris? Kahit one time lang.”


(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment