Friday, May 7, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 8

Naguguluhan ako sa mga nangyayari, bakit nagkakaganito si Ivan. Una naisip ko nagloloko lang pero parang seryoso eh.

“Nakakatawa naman yong joke mo!” sabi ko kay Ivan. “Joke pala ha!” bigla nalang akong inihiga ni Ivan sa kama at hinawakan pataas ang aking kamay at hinalikan ang aking labi. Sinusubukan kong lumaban pero hindi ko kaya dahil nakadagan siya sa akin. Mapusok ang mga halik na iginagawad sa akin ni Ivan. Pilit niyang pinapasok ang dila niya sa aking mga labi at unti unting ikinakayod ang kanyang ari. Bumaba ang kanyang mga halik sa aking leeg at parang hayok na hayok na hinalikan ito.

“Ivan, ano ba, itigil mo na yan!” pagpupumilit kong sigaw kay Ivan. “Dylan, kahit ngayon lang, hindi ko na kayang makapagpigil……Please Dylan, kahit nagyon lang….” pagmamakaawa sa akin ni Ivan. Nag isip ako bago sumagot, alam ko mali to at hindi ko hahayaang magkamali ulit ako.

“Pasensya na talaga tol….. pero hindi talaga pwede, alam mo naman na kami na ni Cris at ayokong masira ang pinagsamahan natin. Hindi ko maiintindihan kong bakit ka nagkakaganyan pero….. mali to, panloloko to kaya Ivan, please…… wag…..” ang sinabi k okay Ivan. “Ayan nab a talaga ang desisiyon mo? Sorry kung nagawa ko ito, hindi ko alam kong bakit ako nagkakaganito eh……. Kaw kasi……. Ang lakas ng sex appeal mo.” Sabay kindat at smack sa lips ko.

“loko, bumaba ka na nga at baka kung ano pa ang gawin mo…… Sorry talaga ha.” Ang huli kong sabi sa kanya. Bumaba na si Ivan at nagbihis na rin ako. Humiga muna ako sa kama at umidlip ng unti at nagising ako sa isang halik sa pisngi. “Babe, gising na, kakain na tayo. Tara na sa baba.” Pang anyaya sa akin ni Cris. Sabay kaming bumaba ni Cris, nang bumaba kami, nakaupo na ang lahat at kami na lang ang hinihintay.

“Ang tagal niyo naman bumaba kanina pa kami naghihintay.” Sigaw sa amin ni Michael. “Eh etong si babe eh, ang tagal magising, binudburan ko na nga ng kiss para lang magising.” Sagot naman ni Cris. “Halik lang ba o may kasama pang sarap….. alam mo na. heheheheheh” “Mga loko, mamaya pa yon panghimagas….heheheheheeheh” pasakay na sagot ni Cris. Alam kong naglolokohan sila kaya ako dumeretso na sa lamesa. Katabi ko sa upuan si Ivan at Cris. Hindi ako masyado makakain kasi patagong hinahawakan ni Ivan ang kamay ko. Pero inaalis ko agad ito at inilalagay sa ibang lugar.

“Ano gagawin natin pagkatapos kumain?” tanong ni Aya sa amin. “Ah, kung gusto niyo magswiming tayo sa swimming pool naming dun sa tabi ng terrace sa gilid ng bahay. Tamang tama kasi kapapalit lang ng tubig kaya pwede tayong magswiming.” Sagot ni Ivan. Lahat naman kami pumayag na magswiming siyempre December kaya medyo malamig pero ok lang, mas maganda na rin. Habang nagpapalit kami ng damit ni Cris, nagtanong siya sa akin: “ok ka lang ba babe? Kasi….parang ang tamlay mo ngayon?”. “ok lang ako, pagod lang ako sa byahae kaya iguro ganito ako. Pasensya ha.” Tanging sagot ko. Hindi ayon ang totoo. Sino ba ang hindi tatamlay kung malaman mo na ang isa mong kabarkada ay may pagnanasa sa yo at ang mahal mo dati ay nakikita mong nagdurusa pag magkasama kami ni Cris.

Mahal ko pa rin si Johan. Alam ko nagseselos pa rin ako pag nakikita kong magkasama sila ni Angel pero anong gagawin ko, wala na akmi at In relationship ako with Cris. Buhay nga naman, paikot ikot lang minsan nasa ilalim at minsan nasa ibabaw.

Nang bumaba na ako, si Johan agad ang nakita ko at sinalubong niya ako ng isang matamis na ngiti. Ewan ko sa sarili ko pero medyo kinilig ako at natuwa. Hala ano bang nangyayari sa akin. Unti unti siyang lumapit at nagsalita. “Kamusta ka na? Tagal na rin ng huli tayong nag usap ah?” “ako ok lang. Eto medyo busy kasi lapit na ang finals natin. Eh ikaw kamusta na?” sagot ko sa kanya. “Eto…….. nagtitiyagang…… maghintay na bum….bumalik ang mahal ko.” Medyo natigilan ako sa mga sinabi niya. May parte ng utak ko na nagsasabi na “Hunghang, ikaw yun”. Ewan ko ba, pero bigla ko na lang naitanong ito: “Sino yon?”. “Hindi mo pa ba alam?...... Wala ng iba…..kundi……IKAW!” medyo namumuo na ang luha sa aking mata ng marinig ko ang kanyang sinabi. Alam ko ang nararamdaman ko, mahal ko pa rin itong mokong na to.

“Gueh iwanan na kita magswiming lang ako.” Paiwas kong sabi sa kanya. Alam kong alam niya na umiwas ako. Kaya pinabayaan nalang niya ako. Dala dalako nyung cp ko at nagpatugtog ako bago lumusong. Shuffle ang kanta at iniwan ko nalang ito sa may table sa tabi ng swimming pool. Tapos lumusong na ako sa pool. Nang medyo mapagod na ako kakalangoy, tumigil muna ako at pumunta sa gilid ng Pool. Medyo nakinig muna ako sa kanta at himala, tamang tama ang kanta sa akin ngayon. Thinking of You by Katy Perry. Hindi ko namalayan na sumsabay na rin ako sa kanta.

“Coz when Im with Him I am thinking of you, thinking of you…. What you would do if….you were the one who was spending the night…..” at nagulat ako ng may nagsalita sa may likod ko. Si Johan.

“Para sa akin ba ang kantang yan?” halos nakayuko na ako at hindi na makatingin sa kanya. Hanggang sa humugot ako ng lakas ng loob at nagsalita sa kanya. “O, nandyan ka pala. Nasan si Angel?” pag iiba ko ng usapan. “Wag mong ibahin ang usapan.” Bigla na lang niya akong kinorner sa may side ng pool. “Tol, ano ba?” sigaw ko sa kanya. “Since tayo na lang nandito, Malaya na tayong gawin ang lahat. Alam ko at nararamdaman kong mahal mo parin ako.” Sarkastong sagot ni Johan. “Ano ba sinasabi mo, Tol wala na tayo at kalimut….” Hindi ko na naituloy ang sasabihn dahil bigla nalang niya ako siniil ng halik sa labi. Mapusok at punong puno ng damdamin.

Ang sarap isipin na ang pinakamamahal mo ay mahal ka pa rin hanggang ngayon. Naramdaman ko na lang na tumutugon ako sa kanyang halik. Ang sarap ng feeling, na habang ang lahat ng kasama ninyo ay wala at kayo lang ng mahal mo ang nagexist sa lugar na yon. Habol ang hininga naminn ng kumawala kami sa pagkakahalik.

“alam kong mahal mo pa rin ako at I am happy for that. Heart, mahal na mahal kita. Mali ang iniisip mo sa amin ni angel, hindi ko na siya babalikan. Sinaktan niya ako dati pero ikaw ang nandyan para sa akin at sayo ko nakita ang happiness ko. Ipaglalaban kita kahit kanino.” Ang sinabi sa akin ni Johan.

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Alam ko, ipinakita kong tumugon ako sa pagmamahal niya. At ang relationship namin ni Johan ay mas matimbang sa amin ni Cris. Kumukuha ako ng tiyempo ng biglang hawakan ni Johan ang kamay ko. “Sabihin mo sa aking mahal mo ako……. Alam ko at nararamdaman ko. Bawat kita ko sa inyo ni Cris nagseselos ako….. Ang sakit…… Halos ikamatay ko sa sobrang sakit……”

“Johan….. sayo ko naramdaman na may nagpahalaga sa akin….. ang saya saya ko ng nagging tayo pero sa sayang naramdaman ko, mas matinding sakit ang naranasan ko….. kung alam mo lang…….. nabago ang buong pagkatao ko ng may nangyari sa akin….. hindi ko na alam kung ano ba talaga ako…….. at ang masakit pa……… nasaktan mo na ako pero mahal na mahal pa rin kita.” Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Luha na parang isang acidong unti unting tumutunaw sa aking puso. At that moment, niyakap niya ako ng mahigpit. “Hindi ko na ulit ipaparamdam sayo yun, basta balikan mo lang ako. Love you heart”. Pagcocomfort niya sa akin.

“Hindi ko alam kong kaya pa…… sa mga nangyayari sa akin ngayon…. Naguguluhan ako…….” At dali dali akong umahon sa pool. At bumalik sa kwarto. Nagmadali na akong magbihis at magbanlaw. Pagkatapos kong mag anlaw dumeretso ako sa may kama pero isang sampal ang sumalubong sa akin. Si Cris.
(ITUTULOY)

No comments:

Post a Comment