Saturday, May 15, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 14

Lumabas kami sa kwarto ng Masaya. Hindi na alintana ang mga nangyari. Tanggap na niya na hanggang doon na lang at talagang mahal na mahal ko si Johan. Umuwi kami na magkatabi pa rin. Sinusulit ang bawat sandal na magsisilbing huling pagsasama. Hiniling niya na magbreak kami pag katapos ng outing namin.

Siguro alam na rin ng barkada kung ano ang nangyari sa amin ni Cris. Tanggap na namin na hanggang doon na lang. Pero hindi pa rin nawawala ang connection naming sa isa’t isa, kasi magbestfriend na kami ngayon. February na at celebration ng pre-valentine party namin. Lahat ng year busy. Busy sa pagtatayo ng mga booth. Since 3 section kaming mga 4th year, nahati kami sa 3 booth. Ang marriage, dating at wedding booth. Sa first year, tattoo booth at message booth, sa 2nd year tsibugan booth, entertainment booth at dance booth at sa 3rd year jail booth at singing booth.

Kahit na break na kami ni Cris, sweet pa rin siya. Bago ako pumasok ng araw na yon, nakatanggap ako ng chocolate galling sa kanya. Dumaan muna siya sa bahay naming at sabay kaming pumunta ng School. Pagdating naming ng room nagaayos na sila.m Sa aming section naasign yung dating booth. Excited lahat dahil sa tinagal tagal naming sa school na yon, ngayon lang kami naasign sa Dating booth. Last year kasi jail booth kami.

Mga 9 am nagsimula ang celebration namin. Sa umaga program then proceed na sa opening ng booth. Kahit kami nakasign sa dating booth, free pa rin kaming makipag date. Masaya naman ang nagging booth naming. Daming pumunta. Sobrang swwet nila. Nakatitig na nga ako halos lahat sa kanila eh. “Ui Dylan nakatulala ka na jan….” pabasag ng pagkakatitig ko ni Cris. “Loko…… nakatingin lang ako sa kanila….. Kaw ba hindi makikipagdate?” tanong ko sa kanya. “Kahit gustuhin ko hindi pwede……. Pati tatanggi yon.” Sagot niya. “Bakit naman?” tanong ko. “Kasi alam kong hindi ka papayag kung makipagdate ako sa yo at tiyak na pagtitinginan tayo” tugon niya. “Akal ko ba may usapan na tayo ha….” Sabi k okay Cris. “Eto naman, hindi mabiro…… pinapataw lang kita.

Nasa ganon kaming kalagayan ng may pumasok sa llob ng dating booth namin. “Good Morning mam siii……..r” bigla akong natigilan. Natulala ako sa nakita kong kung sinong pumasok. Si Johan. Lalo akong naguluhan ng Makita ko rin kung sino ang kasama niya. Si Shane, yung Ex Girlfriend ko. Ano tong nakikita ko, mag dadate sila? Bakit? Bakit pa ditto? Siyempre dating booth to eh. Pero bakit kailangan ako pa ang u7nang makabati sa kanilang dalawa. Bumawi ako ng salitang pwedeng maapuhap. “Welcome, please come this way…..” ang tanging nasabi ko na lang sa kanya at bumalik na ako sa pinaka extra area namin.

Ewan ko ba, pero parang ang sakit. Magkasama ngayon ang pareho mong nakaraan. Una si Shane, maganda siya, matalino at mabait. Tuwang tuwa ako ng sinagot niya ako. Sa lahat ng nagging gf ko, siya ang pinakamatagal at sasabihin ko ring siya lang ang sineryoso ko. Nagbreak kami dahil nawalan ako ng oras sa kanya dahil sa lagging may practice kami ng basketball. Alam naman ni Johan kung gaano ko siya kamahal. Talagang ginawa ko ang lahat para lang magkabalikan kami pero hindi na nangyari yon. Ikalawa naman si Johan. Hanggang nagayon may nararamdaman pa rin ako sa kanya.

“Dylan ok ka lang?” nabigla ako ng biglang may nagsalita sa aking likuan. Si Cris. Pagkakita k okay Cris, tuluyan ng lumaglag ang luha ko sa mata. Dahil kami lang ang nasa area na yon, niyakap niya ako. Alam niyang nasaktana ako. “Kei lang yan, nandito pa ako….. kasi naman, bakit ba hindi na lang ako siya….” Ang nasambit niya. Dama ko ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Cris. Hindi muna ako lumabas ng area na yon. Natatandaan ko pa rin ang sinabi sa akin ni Cris na, “Bakit ba kasi hindi na lang ako siya…”. Nagapapasalamt ako sa pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Cris. Napagdesisyonan kong lumabas na upang harapin siya. Hindi ko pinahalatang umiyak ako at taas noong nagserve ng kanilang order.

Dahil may shifting kami, naasign naman ako sa music corner. Live band kasi ang mga kinakanta doon. At ako ang napiling kumanta. Dahil na rin sa sama ng loob pumayag na Ako at ang pinili kong kanta ay yung talagang tatamaan si Johan. Ang kinanata ko ay yung Come Back to me ni David Cook. Same song ng magkita kami ni Johan sa tabing dagat. Nagsimula na ang aming show para sa kanila. Hanggang sa natapos ang aking pagkanta. Ang sumunod naman ay Everyday by High School Musical. Kaduet ko ngayon si Dianne.

Once in a lifetime
means there`s no second chance
so I believe that you and me
should grab it while we can

Make it last forever
and never give it back
It`s our turn, and I`m loving` where we`re at
Because this moment`s really all we have

Everyday
of our lives,
wanna find you there, wanna hold on tight
Gonna run
While we`re young
and keep the faith
Everyday
From right now,
gonna use our voices and scream out loud
Take my hand
together we
will celebrate,
celebrate.
Oh, ev`ryday.

Natapos ang pagkanta namin pero ang sama pa rin ng loob ko. Kaya mula ng araw na iyon, medyo nainis ako kay Johan, kasi balik to the start na naman kami. Dedma, parang hindi niya ako kakilala.Hindi man lamang ako pinapansin na para bang hindi ako nag eexist. At ang masakit, ang lantarang pagpapakitan ng pag disgusto sa akin.

Hanggang sa dumating ang prom namin……

(Itutuloy)

No comments:

Post a Comment