Monday, May 10, 2010

Ang Best Friend Kong Lover- Part 10

Laking gulat ko ng Makita ko si Johan na nakaupo sa labas ng kwarto ko at naghihintay. Dala dala pa niya ang kanyang bag galling sa outing. Agad siyang tumayo at kinausap ako. “Dylan, please pakinggan mo muna ako. Kailangan natin makapag usap.” Pagsusumamo niya. “O sige, tara sa kwarto ko.” Paanyaya ko. Pagpasok ko ng kwarto binuksan ko agad ang bintana nito. Tapos umupo ako sa may kama.

“Johan, Tol, magsimula ka na”. Sabi ko sa kanya. “Dylan, this is the last time na guguluhin kita at sana pakinggan mong mabuti ang sasabihin ko. Alam kong nagkagalit tayo ng dahil kay Angel. Kung ang pinagbabatayan mo eh yung cell phone ko, nagkakamali ka. Nung nagtext siya na magkita kami, hindi ako pumunta. Tapos na ang lahat sa aming dalawa. Wala akong balak balikan siya dahil…….. Ikaw na ang mahal ko. Alam ko mali ito pero minahal kita ng sobra sobra. Matagal na.l Simula nung mag 1st year tayo. Ikaw ang nandyan. Naalala mo ba nung muntik ka ng bumagsak sa Algebra natin dahil magulo ang isip mo nun? Ginawa ko ang lahat para mapataas ang grades mo. Ako ang nagpasa ng projects mo ng hindi mo nalalaman. Ganti ko yun sa pagtulong mo sa akin nung muntik na akong mapahamak dahil sa di ko sinasadyang natabig ang tubig sa class record ni Mam. Ikaw ang siyang umamin na nakatabig kaya ikaw ang naparusahan.”

Medyo naluluha na ako sa sinasabi niya. Tanda ko pa ang mga iyon. “Salamat…… Salamat sa lahat…… Hindi ko aakalain na aabot tayo ditto……” tanging nasagot ko sa kanya. “Dylan, may isa pa….. Alam mo ba nung Makita mo kami ni Angel na magkayakap? Hindi ko alam na yayakapin niya ako. Alam niyang may paparating kaya niyakap niya ako agad. Ayaw niyang tanggapin na hindi ko na siya babalikan. Lagi niya akong pinipilit na maging kami ulit. Pero tinanggihan ko siya. Kaya ako nagpunta ditto hindi upang pilitin kang makipagbalikan. Nandito ako para isuko na ikaw kay Cris. Alam ko mas liligaya ka sa kanya at gusto ko makapaghiwalay say o ng maayos. Sinabi ko lang sayo ang totoo para hindi na sumama ang loob mo sa akin. Mahal na mahal kita at hindi kita malilimutan”

Bigla na lang niya akong niyakap. May kinuha siya sa kanyang bulsa. “Corny man to pero etong pad lock na to, ito ang nagsisimbolo ng lahat ng pagmamahal ko sa iyo. Ibibigay ko ito at nasa akin ang susi. Tanging ako lang ang makapgalalabas ng lahat ng pagmamahal ko sayo dyan. Kaya sana ingatan mo. I Love you so much” ang pahabol niyang salita. Hinalikan niya ako sa labi bago tuloy tuloy na umalis.

Natulala ako sa lahat ng nangyari. Nagkahiwalay kami ni Johan dahil sa maling akala. Napakalaki kong tanga, bakit ko hinayaang talunin ako ng selos. Bakit hindi ako nagtiwala sa kanya. Napakawalang kwenta ko. Iniyak ko na lang ang lahat hanggang sa naramdaman ko na lang na nakatulog ako.

Since Christmas vacation naming ayun at nakatambay ako sa bahay naming at minsan kila Cris. Sinabi na rin sa akin na umalis si Johan at nagbakasyon sa Bulacan. Naging matatag naman ang relationship namin ni Cris at himala kasi hindi kami nagaaway. Iniiwasan siguro ni Cris na magkalabuan kami.

Dumating ang Christmas day pero ako malungkot pa rin. Laging wala sa mood. Lumabas kami ni Cris at pumunta sa kung saan saan. Hanggang sa dalhin ako ni Cris sa isang park. Hindi ko alam kung saan yon. Maraming tao ang nandon. Medyo gumagabi na at kitang kita naming ang paglubog ng araw. Habng nanonood kami ng paglubog ng araw biglang nagsalita si Cris. “Babe….” “bakit?” tanong ko sa kanya. “Masaya ka ba ngayon?” “oo naman. Heheheeh” sagot ko sa kanya. “Salamat naman at Masaya ka…… Talagang pinaghandaan ko ito eh. Pinag ipunan ko ito.” Bigla na lang ako niyakap ni Cris at naglambing. “Ang saya saya ko kasi ikaw ang kasama ko ditto. Mahal na mahal kita…. Sbra sobra………. Kaya lang…..” “Kaya lang ano?” “Kaya lang naisip ko na, kung hi….hindi ka na ma….masaya sa piling ko……. Pakakawalan kita…… kahit masakit tatanggapin ko……. Ayokong ipilit ang sarili ko kung ayaw niya sa akin….. Kaya kung hindi ka na masaya…. Pakakawalan kita ng buong buo……..” nangangatal ang boses niya.

Natigilan ako sandal at nagsalita rin. “Bakit mo ba sinasabi ang ganyan……. Ano ka ba…. Paskong pasko eh nagdradrama ka…heheheheh” Pabiro kong sabi sa kanya para ngumiti siya. “Nagbiro ka na naman eh….. Kaya mahl kita eh…… Basta tandaan mo lang ang sinabi ko say o.” sabi sa akin ni Cris.

Naguguluhan ako sa mga sinasabi sa akin ni Cris kaya tumawag ako sa kanya pagkatapos niya akong ihatid sa bahay naming. “Hello….. babe…….. Nasa bahay ka na ba?” tanong k okay Cris. “Kararating ko lang babe…. Bakit? May nakalimutan pa ba ikaw?” tanong niya. “Ah wala na…. kinakamusta lang kita….. Para kasing may iniisip ka ng mallim eh. May problema ba?” “Ah…. Wala yon…….. pagod lng yun….. wag ka ng mag alala…… ok lang ako babe……. Ang swerte ko naman oh….. nagaalala ang babe ko…….heheheheh” “ah ganun ba….. kaw talaga…. O sige tulog na ako……. Bye….. luv you….” “bye din….. luv u more…..”. Natulog na ako at nagpahinga.

Pasukan na naman. 3 months nalng at graduate na kami. Excited na ako kasi after 3 weeks eh makakasama ko na ulit ang mga kaklase ko. At the start ng klase naming, gustong ibahin ng Adviser naming ang seating arrangement. Medyo nainis kami kasi lapit na ang pagtatapos tapos magpapalit pa ng arrangement. Ang ginawa ni mam bunutan ulit. Kung sino ang makabunot ng no. ng table dun uupo. At sa kasmaang palad, magkatabi si Aya at Cris. Tumingin muna ako kay Cris at nginitian lang niya ako. Ako naman table no. 12. At pagkakita ko sa upuan……. Nakita ko si Angel siyang dahilan ng lahat.
(Itutuloy)




Pasensya kung natagalan....... medyo busy lang po ako.... sa lamat sa mga nagview ng story....... lalo na kay Julius.....hehehehehhe........god bless po.........

No comments:

Post a Comment