Tila natigilan ako pagkakita k okay Johan, nag iisa, nakatulala at seryosong nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang nararmdaman ko ng Makita ko siya. Nananabik ako. Gusto ko syang masolo at makausap ngayon. Namimiss ko siya, ang halakhak, ang paglalambing at higit sa lahat, ang pagsasama naming na para bang kami lang dalawa ang nabubuhay.
Matagal akong nakatitig sa kanya ng di sinasadyang napatingin si Johan sa akin. Para bang nagulat na nandun ako at nagtatanong ang mga mata na kung bakit ako nakatayo sa kanyang likuran.
Pagkaharap niya, agad kong nakita ang luha niya sa pisngi at ang mga matang wariy nangungulila. Agad nagpahid ng luha si Johan at lumapit na ako sa kanya. Tinabihan ko siya at naghihintay pa rin ng susunod na galaw.Bigla na lang siyang nagsalita.
“Bat nandito ka TOL…?!” na para bang dinidiin ang salitang tol. “Bakit masama ba….tol…. Sabihin mo lang kung ayaw mo akong makausap at makasama at aalis ako……… ayoko naman kasing ipilit sa ayaw diba?” sagot ko. “Hindi ka pa rin pala nagbabago………. Salamat naman…..hay……. ang tanong ko lang naman diba kung bakit ka nandito? May sinabi ba akong umalis ka na ditto?” sagot naman niya. “Wala naman pero sa tono ng pananalita mo eh ayaw mo ako ditto eh…..”
“Hindi naman…… medyo nagatataka lang…… Bakit hindi mo kasama si Cris?” tanong niya sa akin. “Ah, kasi nagiinuman sila don eh ayaw kong uminom, medyo tinatamad ako at parang ayaw na ng sikmura ko…heheheheheh….. eh ikaw, bakit hindi mo kasama si Angel?” tanong ko sa kanya. Tumahimik siya sandali at medyo natagalan bago sumagot. “Kailangan bang lagi kong kasama ang kaklase natin?” sagot niya. “Akala ko ba………” putol kong sagot. “Its not what you think……. Sabi ko say o noon, wala kaming relasyon ni Angel…… just ordinary classmates kasi ang puso ko ngayon…………. Nakapad lock pa rin hanggang ngayon……”
Natigilan ako. Hindi makapagsalita. Hindi ko alam pero lihim akong natuwa pero hindi ko alam kong totoo ang sinasabi niyang hanggang ngayon, ako pa rin ang may hawak ng puso niya. Ang sarap ng feeling, iba kaysa sa mga emotional attachments ng iba. Tamang tama ang kantang tumutugtog. Come back to me by David Cook. Sinabayan ko ito para makaiwas na sa sinabi ni Johan. “So I’ll let you go, I’ll set you free and when you see what you need to see….. when you fin you…… Come back to me……” na para bang tinitimbang ko kung ano ang magiging reaction ni Johan.
“pati pala ang kanta sumasang ayon sa akin…..” biglang tugon ni Johan. Nabigla ako sa sinabi niya. Alam kong pinipigilan lang niya ang sarili niya na ipahayag ang buo ang nararmsdaman niya dahil sa isang panagako niya. Na tanging siya lang ang makakapag alis ng pagkakasara ng puso niya. Sa totoo lang medyo nahihirapan na ako. Masakit na nakikita siya na nagkakaganyan kaya hindi ko alam ng bigla ko na lang nasabi na “Pwede bang payakap?”.
Hindi naman siya tumutol. “Miss na kasi kita eh, lagi mo akong iniiwasn. Hindi mo man lang ako makausap at lagi mo nalang akong dinededma sa klase…… Hindi ko alam ang gagawin kong paraan para maibalik lang yung dati……. Hindi kita kayang mawala……….. Ikaw ang nagturo sa akin ng kung anu ano…….. At tanging tumanggap sa akin.” At tuluyan na akong umiyak. Inaalo lang niya ako at kinocomfort. Bigla na lang siyang nagsalita. “pasensya na…….. Alam kong nasasaktan ka na…. pero sana maintindihan mo ako….ginagawa ko ito dahil pinipigilan ko ng mahalin ka pa….. pero hindi ko magawa…… ikaw at ikaw lang ang laman ng isip ko…..kahit anong gawin ko….ayan ka sa puso ko……andayan ka sa isip ko…… lahat ng bagay na nkikita ko….laging ikaw ang naaalala ko… ang hirap……… hindi ko makakayanan…” medyo lumuha siya ng bahagya.
Naiintindihan ko siya, alam ko kung ano ang tinutukoy niya. Mahal niya ako at mahal ko siya. Hindi ko alam ang gagawin ko sa ssunod na araw pero ngayon, tahimik muna akong nakayakap kay Johan at nilalasap ang kanyang presensya. Nilasap naming pareho ang oras na magkasama kami. Wala kaming pakialam kung sino ang makakita sa amin basta ngayon, sa amin muna ang oras. Nagkwentuhan kami at balik sa normal….. normal as magbestfriend…… Hindi naming namalayan na ala una na ng gabi. Kaya napagpasyahan naming na bumalik na sa cottage. Bago ako tumayo bigla siyang nagsalita. “Pwede bang……. Pa kiss?” at walang kurap kurap ay hinalikan niya ako sa pisngi. At patakbo siyang umalis.
Hingal ako ng bumalik sa cottage naming kasi pataas ang cottage namin. Pagkakita ko sa living room, wala nang tao. Siguro tapos na ang pag iinuman kaya tuloy tuloy akong pumunta sa kwarto namin ni cris.
Pagkabukas ko ng pinto naming, laking gulat ko……
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment